Pages

michelle.barlaan.chua. Powered by Blogger.
RSS

walang title eh, sorry na..

Masarap sa pakiramdam pag nagmamahal tayo, subalit may kaakibat din na sakit at pighati ang pagmamahal na ito.
Sinasabi natin na pag nasasaktan tayo, maling tao na ang pinili natin. O kaya sa maling panahon at pagkakataon tayo umibig.
Humahanap tayo ng rason o ng bagay kung saan maisisisi natin kung bakit tayo nasasaktan. Pero sa totoo lang, walang mali o tamang tao pag nagmamahal tayo. Kusa itong nangyayari. Di mo inaasahan. Bigla-bigla na lang.
E kung may tamang choice pala tayo e di sana wala ng taong nasasaktan, di ba?
Wala namang pamantayan sa pag-ibig. Hindi naman yan exam na pag hindi tugma ang sagot sa key to correction e mali ka na.
Ang pag-ibig ay katulad kabagay ng kalawakan. Madaming bagay ang di mo maipaliwanag pero sa tuwing makikita mo ang mga bituin na nakahanay sa kawalan, isang ngiti ang susulyap sa iyong mga labi.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment