Pages

michelle.barlaan.chua. Powered by Blogger.
RSS


You know what? There are days when you really pissed me off but at the end of the day, I realized that no matter what you do, I still love you so ♥

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Overly Attached!


Iba talaga ang pakitungo ng mga lalaki kapag kakakilala pa lang, nanliligaw at yung kayo na.


Does not apply to all.

Pinaka gusto ko yung part na kakakilala pa lang. Kasi dito, mag-eexchange kayo ng jokes tas’ mga hinanakit nyo sa isa’t-isa. Mga gusto at ayaw nyo. Madaming kwento sa isa’t-isa. Dito din yung part na lagi kang excited na makausap yung bago mong kakilala na lalaki na obvious naman na nagbibigay motibo sa’yo.

Kapag nanliligaw, nagiging sweet yung lalaki. Natural. Ito yung part na konti na lang yung mga jokes nya dahil puro banat na at pagpapakilig ang nasa laman ng utak nyan. Parang kumakandidatong senador ‘yan na kung anu-anong ipapangako sa’yo. Kung anu-anong pambobola ang ihihirit nyan para makuha ang matamis mong OO.

Pero kapag kayo na? Ay, ewan ko. Wala akong masyadong alam dito. Charot. Sa unang buwan, para pa din ‘yang manliligaw. Pero asahan mo sa dalawa, tatlo, apat na buwan pabawas na ng pabawas yung mga pagpapakilig nyan sa’yo. Kapag lima, anim, pito, walong buwan; ‘yan na yung stage na basta na lang makapagusap. Kapag siyam, sampu, labing isa at isang taon na? Ay nako ‘day. Ito na yung stage na, “Bahala na u. Tulog na me.” Hahahahahahaha. 

Gusto sana naming mga babae na habang tumatagal, mas madaming surprises, mas madaming sweet moments, mas lalo naming nararamdaman na mahal nyo kami, mas lalong nagiging sweet. Hindi yung habang tumatagal, nababawasan lahat.
Kasi nung nangako ka sa babae na ‘yan, di lang pumasok sa kukote nya lahat ng mga pangako mo. Dala dala nya ‘yan gang sa puso nya. 

Right? :-)

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS