Pages

michelle.barlaan.chua. Powered by Blogger.
RSS

Ang Isang Relasyon

Ang isang relasyon, ‘di lang natatapos sa simpleng pagsasabi ng mga matatamis na salita gaya ng ‘I love you, Mahal na mahal kita, Miss na miss na kita, Ikaw ang buhay ko, Hindi ko kayang iwan ka at iwan mo ako’. Ito rin dapat ay pinapakita hindi lamang salita kundi maging sa gawa. Kailangan mong patunayan na ang bawat salitang binitawan mo sa kanya e kaya mong panindigan at pwede niyang panghawakan hangga’t siya’y nabubuhay. Iparamdam mo ang kahalagahan niya sa buhay mo, pasayahin mo siya sa abot ng ‘yong makakaya, at kapag nalulungkot siya, tabihan mo siya, hindi mo kailangan ng maraming salita upang pagaanin ang loob niya, ang magandang gawin mo lang, yakapin siya at bumulong ka sa kanya ’Huwag ka ng malungkot, nandito naman ako.’ Mahalaga ang bawat salita pero minsan mas maganda pa rin na naisasabuhay ang mga ito.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment